Humiling ang Transport Network Company (TNC) na Grab Philippines sa gobyerno na muling payagan ang kanilang Motocycle Taxi Service o mas kilala bilang “Grab Bike”
Sa sulat ng Grab sa tanggapan ni Technical Working Group for Motorcycle Taxis Chairperson Antonio Gardiola, humihiling sila na makilahok sa pilot testing para sa Motorcycle Taxis.
Iginiit ng Grab na ang Grab Bike ang pinakamalaki at pinakaligtas na Bike-Ride Hailing Provider sa Southeast Asia, na may 2.55 Million Bike Rides nitong 2019 at 1.49 Million Partner Riders.
Binanggit din ng Grab ang 99.99% safety record nito, na isa sa pinakamataas sa Rehiyon.
Matatandaang ipinatigil ang operasyon nito noong 2016 bilang pagtugon sa Government Regulations.
Facebook Comments