Motorcycle Theft Victim nagpasalamat sa DXMY at RHPU ARMM sa pagkakarekober ng kanyang Motor

Lubos ang kasayahan ni Zenia Vanzuela, ng Polomolok South Cotabato matapos maisauli sa kanya ang ninakaw na motorsiklo sa tulong ng DXMY RMN Cotabato at Regional Highway Patrol Unit ng ARMM.
Sinasabing March 10 2017, ng sapilitang kunin sa kanya ang kanyang Mio Motorcycle sa bahagi ng Silway 7 maliban pa sa kanyang Bag na naglalaman ng 12K Cash, mga alahas at mga dokumento ng riding in tandem.
Matapos ang 13 buwan ay may maswerteng nakipag ugnayan sa kanyang FaceBook na sinabing nakabili ng kanyang motorsiklo. Nais sana ng buyer na humingi ng tulong kay Vanzuela para mailipat ang pangalan ng nabiling motorsiklo ngunit dito na bumulaga na nakaw pala ito.
Maswerteng agad na nakipag ugnayan sa RMN Cotabato si Vanzuela noong umaga noong april 12 2018 at agad namang inindorso ng DXMY ang nasabing insidente kay RHPU ARMM Senior Staff SPO4 Taha Enok.

Matapos ang mga inisyatiba ng RHPU ARMM ay agad namang itinurn over ng buyer mula Manday Cotabato City ang motorsiklo. Dito na rin napag -alaman na pinagpasa pasahan na ang MIO motorcycle at sinabing panglimang buyer na ang residenteng taga Cotabato City.

Kaugnay nito bukod sa DXMY ar RHPU ARMM lubos rin ang pagpapasalamat ni Vanzuela sa last buyer ng kanyang motor sa pakikipagtulungan at walang pag aalinlangang pagsule nito. Nabatid na naibenta ito sa halagang 40k.


Nagpapatuloy naman ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng RHPU ARMM sa mga responsableng tumangay ng motor at sa mga kasabwat ng mga ito.

Facebook Comments