Patuloy na nakahanda ang Motorist Assistance Team na binuo ng Department of Public Works and Highways Region 1 sa ilalim ng programang Lakbay Alalay ngayong inaasahan ang pagdoble ng mga bumabyaheng sasakyan.
Sa iba’t-ibang panig ng mga lalawigan sa Ilocos Region, nakadeploy ang mga personnel sa gilid ng mga kakalsadahan upang alalayan ang mga motorista sa kanilang pangangailangan.
Kabilang dito ang pagtuturo ng direksyon sa mga motorista at posibleng tulong sa paghila ng sasakyan.
Sa unang araw ng deployment kahapon, bisperas ng pasko,ilang motorista na may problema sa piyesa sa sasakyan kabilang ang isang pampasaheron bus ang naalalayan ng tanggapan.
Kaugnay nito, tiniyak din ng tanggapan ang mandato sa pakikiisa sa iba pang sangay ng gobyerno upang makamit ang ligtas na pagdiriwang ng holiday season ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









