MOTORISTA, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG ILEGAL NA DROGA AT PARAPHERNALIA SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Inaresto ang isang 30-anyos na motorista matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga at paraphernalia sa isang checkpoint operation sa Barangay San Vicente, San Fernando City, La Union kahapon, Marso 31, 2026.

Ayon sa pulisya, pinara ang suspek sa checkpoint kung saan nadiskubre ang hinihinalang bakas ng ilegal na droga at mga kagamitang ginagamit dito na agad namang kinumpiska.

Dahil dito, inaresto ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Nahaharap ang lalaki sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments