Motorista, arestado matapos makuhanan ng baril at shabu sa Tanauan City, Batangas

Manila, Philippines – Arestado ang isang motorista matapos makuhanan ng baril at shabu sa isang checkpoint sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang nadakip na si Richard Galicia na naharang dahil walang plaka ang minamanehong motorsiklo.

Nabatid na matagal nang mino-monitor si Galicia ng pulisya dahil sa mga gawain nitong may koneksyon sa ilegal na droga.


Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .22 na baril at isang sachet ng shabu.

Facebook Comments