Nasawi ang isang motorista matapos mahagip ng kasalubong na tricycle habang tinatahak ang kahabaan ng Brgy. Anambongan, Basista, Pangasinan. Kinilala ang biktima na isang 25 anyos na construction worker.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang ala una ng hapon nang aksidenteng mahagip ng kasalubong na tricycle ang motor ng biktima.
Tumilapon ang dalawa kabilang ang sampung taong gulang na back ride ng tricycle dahil sa tindi ng salpukan.
Agad na naitakbo sa magkahiwalay na pagamutan ang mga biktima habang pinauwi agad ang driver ng motorsiklo dahil maari na umanong magpagaling sa bahay.
Makalipas ang ilang oras, muli itong dinala sa pagamutan ngunit ito ay namatay habang ginagamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments