Nasawi ang isang 28-anyos na lalaki matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa likurang bahagi ng nakaparadang dump truck sa Villasis, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng Pulisya, hindi umano napansin ng biktima ang trak na nasa outer lane dahilan ng pagsalpok.
Sa lakas ng salpukan, nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan.
Dagdag ng pulisya, hindi umano naka-helmet at wala ring suot na visibility vest ang rider habang ang dump truck naman ay mayroon umanong mechanical error at walang nakalagay na early warning device.
Agad dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









