MOTORISTA, PATAY MATAPOS MABANGGA ANG NAKAPARADANG TRUCK SA MANAOAG

Nasawi ang isang 23-anyos na motorista habang sugatan naman ang angkas nito matapos mabangga ang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada sa Barangay Babasit, Manaoag, Linggo, Disyembre 7.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa kahabaan ng provincial road, kung saan bumangga ang motorsiklo sa isang nakahintong tractor-trailer na may sira at walang nakalagay na babala o warning device.

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit idineklarang dead on arrival ang driver ng motorsiklo habang malubha namang nasugatan ang angkas nito dahil sa lakas ng pagbangga.

Hindi naman nasaktan ang driver ng truck sa insidente.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente.

Facebook Comments