Manila, Philippines – Pinayuhanng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na agahanang biyahe o maghanap ng mga alternatibong ruta.
Ito’y dahil sa mga roadrepair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Metro Manila ngayongsemana santa.
Ayon sa MMDA,magsasagawa ang DPWH ng road diggings o paghuhukay mula Huwebes Santo (April 13)hanggang Easter Sunday o pasko ng pagkabuhay (April 16).
Kabilang sa mga apektadoay mga kalsada sa Quezon City at Mandaluyong City.
Sa Pasig City naman aymay gagawing road repairs partikular sa C5 road sa pagitan ng J. Vargas Avenue hanggangPasig Boulevard (Southbound); habang sa Makati City, C5 road (Southbound) Makati/ Pasig Blvd. hanggang Commando link.
Isasara naman ang bahaging Mc Arthur Highway partikular sa bahagi ng Cayetano St. hanggang China bank,1st lane sa Valenzuela City.
Sa Pasay City, mayroongdrainage project na isasagawa sa EDSA, partikular sa Tripa De Gallina sa harapng kabayan hotel (Southbound).
Magkakaroon naman ngkunstruksyon ng reinforced concrete box culvert sa P. Burgos street crossing bonifacioDrive / Roxas Boulevard sa Maynila.
Kaugnay nito,sasamantalahin na rin ng water concessionaire na Maynilad water servicesincorporated ang Semana Santa para magsagawa ng pipelaying project para sabagong water service connection ng isang mall building.
Samantala, lifted angnumber coding scheme simula sa Miyerkules at magtatagal ito hanggang araw nglinggo.
Motorista, pinayuhan sa mga road repairs ngayong Semana Santa
Facebook Comments