Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungong hilaga ang unang tricycle at dumaraan sa shoulder lane sa kanlurang bahagi ng kalsada, habang ang ikalawang tricycle ay patungong timog at nasa inner lane.
Naganap ang banggaan sa gitna ng kalsada dahil umano sa hindi agad napansin ang paparating na tricycle.
Dahil sa insidente, nasugatan ang driver ng ikalawang tricycle at agad itong isinugod sa Candon General Hospital para malapatan ng lunas.
Nagtamo ito ng sugat sa bandang likuran ng ulo at isinailalim sa pagsusuri dahil sa posibleng traumatic brain injury.
Ayon sa attending physician, positibo rin ito sa pagkalasing sa alak.
Hindi naman nasaktan ang driver ng unang tricycle.
Parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan, partikular sa kanang bahagi ng sidecar at sidewheel, habang patuloy pang tinataya ang halaga ng pinsala.
Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na sumunod sa tamang daloy ng trapiko at iwasan ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak upang maiwasan ang aksidente.








