MOTORISTA SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT KOTSE SA TAYUG

Isang vehicular traffic incident ang naganap dakong 7:30 PM noong Nobyembre 27, 2025, kung saan isang motorsiklo at isang kotse ang nagsalpukan sa nasabing bayan.

Kinilala ang unang sangkot na motorista na isang 36 anyos na residente ng Urdaneta City, Pangasinan at nagmamaneho ng itim na motorcycle. Samantala, ang ikalawang motorista ay isang 54 anyos na driver at residente rin ng Pangasinan, na nagmamaneho ng pulang kotse.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ni motorsiklo ang direksyon pa-hilaga habang ang kotse naman ay nagsasagawa ng pagtalikong pakaliwa. Pagdating sa lugar ng insidente, aksidenteng nabangga ng motorsiklo ang kaliwang bahagi ng kotse. Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng sugat at pinsala ang motorista ng motorsiklo, habang nanatiling walang iniulat na pinsala ang drayber ng kotse.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga sangkot para sa medikal na pagsusuri.

Samantala, parehong sasakyan ay nagtamo ng pinsala na kasalukuyang tinutukoy pa ang halaga ng pagpapagawa at dinala sa Tayug Municipal Police Station para sa nararapat na disposisyon.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye kaugnay ng insidente.

Facebook Comments