
Patay ang isang 20-anyos na production crew ng isang kooperatiba at residente ng Damilag, Bukidnon matapos itong bumangga sa nakaparadang taxi sa Cagayan de Oro.
Ayon kay Police Chief Master Sargeant Charles Ebueza, traffic investigator ng Traffic Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office, nakipag-inuman ang motorista sa kaniyang mga kaibigan sa Coastal Road sa Barangay Gusa sa CDO.
Naengganyo umano ang biktima na magpatakbo ng kaniyang motor dahil sa mga napadaang motorista na nagda-drag race.
Habang nagpapatakbo, nawalan ng balanse ang motorista matapos itong mag-ala “Superman” sa kaniyang sinasakyang motor at nabangga ang nakaparadang taxi.
Nadala pa sa JR Borja General Hospital ang biktima ngunit idineklara ring dead-on-arrival.









