Inaresto ang isang 21-anyos na lalaki matapos nitong tangkaing takasan ang checkpoint sakay ng kanyang motorsiklo noong hapon ng Marso 2 sa Barangay Paldit, Sison, Pangasinan.
Ayon sa ulat, bigla umanong bumilis ang takbo ng lalaki sa kabila ng pagpara sa kanya ng mga pulis alinsunod sa OPLAN SITA.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng hot pursuit ang pulisya hanggang sa naharang at inaresto ang lalaki sa kahabaan ng kalsada Barangay Cauringan.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, o “Resistance and Disobedience to a Person in Authority or their Agents.”
Ayon sa pulisya, nakapagbayad na ng piyansa ang lalaki ngunit pinaalalahanan naman ang publiko na makipagtulungan sa checkpoint para makaiwas sa disgrasya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








