MOTORIZED BOAT, HILING NG BRGY. CARABATAN PUNTA

CAUAYAN CITY- Dahil madalas nakakaranas ng pagbaha ang Brgy. Carabatan Punta ay ninanais ng mga ito na magkaroon ng de-makinang bangka upang gamitin sa panahon ng kalamidad.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Romeo Ricardo, kulang sa flood equipment ang kanilang barangay kung saan humiling pa lamang ang mga ito ng motorized boat sa Pamahalaang Lungsod ng Cauayan.

Aniya, may mga sariling bangka ang ilang mga residente kung saan ito ang kanilang ginagamit sa paglikas tuwing may baha.


Dagdag pa nito, sa panahon ng sakuna ay nagtutungo na lamang sa ibang barangay na hindi abot ng baha ang mga residente upang doon muna manatili habang nakalubog sa baha ang kanilang mga tahanan.

Sa ngayon, kasalukuyan pa lamang ang ginagawang konstruksyon sa kanilang evacuation center.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments