
Isang lalaki ang nasawi matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang trak sa kahabaan ng National Road sa Barangay Cablong, Pozorrubio, Pangasinan noong umaga ng Oktubre 28, 2025.
Batay sa imbestigasyon, ang motorsiklo ay patungong timog habang ang trak ay nasa kabaligtarang direksyon.
Sa pag-overtake ng motorsiklo sa isa pang sasakyan, sumakop ito sa linya ng trak at naganap ang salpukan.
Dahil sa lakas ng banggaan, nagtamo ng matinding sugat ang drayber ng motorsiklo at agad dinala sa pagamutan, ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, hindi naman nasaktan ang drayber ng trak.
Ang parehong sasakyan naman ay nagtamo ng pinsala at dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









