Nagbabala ang barangay council ng Ariston East, Asingan na iimpound ang mga motorsiklo na mahuhuling may maingay na tambutso.
Ito ay matapos makatanggap ng mga reklamo ang mga residente sa paglipana ng mga maiingay na motor sa barangay road na kadalasang ginagawang pampaingay ng ilang residente ngayong holiday season.
Sa anunsyo ng barangay council, bibigyan pa ng oras ang mga residente upang mapalitan ang maiingay na tambutso bago sila manghuli na may karampatang multa na P1, 000.
Ipinagbabawal rin ang pagmamaneho ng mga menor de edad at kabataan na walang lisensya upang makaiwas sa disgrasya.
Sang-ayon naman ang mga residente dahil istorbo umano ang ito tuwing oras ng pagtulog at iminungkahi pa na ipatupad ito sa buong bayan ng Asingan.
Hinihikayat ng barangay council ang pagsunod ng mga residente upang matiyak ang kaligtasan at masayang pagdiriwang ng pasko at bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨