Motorsiklo nagkasalpukan, 2 rider patay

Maguindanao—Patay ang dalawang rider ng motor matapos magkasalpukan sa Kusiong Area Datu Odin Sinsuat Maguindanao kahapon ng hapon.
Sinasabing dead on the spot ang di nakilalang rider ng Suzuki Raider 125 habang dead on arrival sa pagamutan ang isa pang rider na nakilalang si Jaypee Dismano, 23 anyos, construction worker at residente lamang ng Kusiong.
Nangyari ang aksidente sa tapat ng Bai Hanina National High School, malapit sa gate ng Mt. Minandar.
Sinasabing kapwa matulin ang takbo ng dalawang rider resulta ng salpukan at di inaasahang pagkakasawi ng mga rider ng mga ito ang aksidente. (Mubarak M. Lauban)

Facebook Comments