Motorsiklo, nahulog sa bangin; drayber at backrider nito, dead on arrival

Albay, Philippines – Dead on arrival sa ospital ang driver at backrider nito matapos na masangkot sa aksidente ang isang motorsiklo na nagtuloy-tuloy sa pagkahulog sa bangin sa Barangay Balinad, bayan ng Polangui sa Albay.

Binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Elmer Nimo, 33, sakay ang backrider nito na nakilalang si Editha Caspe ang naturang porsyon ng kalsada nang biglang mawalan ng kontrol at pumakaliwa ang sasakyan.

Hindi rin naman ito agad na tumigil kaya’t nagtuloy-tuloy hanggang sa bangin na may taas na humigit-kumulang 50 talampakan.


Itinuturong dahilan sa naturang pangyayari ang bulubunduking bahaging lugar na may biglang pa-kurbadang kalsada kung saan hindi agad mabilis na makakapagmaniobra sa mabilis na pagpapatakbo.

DZXL558

Facebook Comments