Motorsiklo ni Mamang Pulis Ninakawan, Mga Suspek Arestado!

Santiago City, Isabela- Arestado ang tatlong lalaki matapos maaktuhang buksan at nakawan ang motorsiklo ng isang pulis ngayong araw, Pebrero 2, 2018 sa brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng Station 1 PNP Santiago City, kasalukuyang nagmamasid sa mismong lugar ang mga kapulisan ng maaktuhang pinipilit buksan ng tatlong lalaki ang U-box ng motorsiklo na pagmamay-ari ng biktimang si PO3 Rodrigo Salviejo.

Agad nilapitan at inaresto ng mga nakakitang pulis ang mga suspek na itinago sa pangalang PJ, Johnson at Manuel na pawang mga residente ng Santiago City, Isabela.


Batay sa mismong ugnayan ng RMN Cauayan News Team sa biktima, kanyang sinabi na pain lamang ang kanyang motorsiklo upang matukoy kung sino ang mga nananamantalang naninira at nagnanakaw sa mga ipinaparadang sasakyan sa mismong lugar ng pinangyarihan.

Nakuha rin mula sa mga suspek ang halagang 530 pesos na ipinain ng mga pulis.

Dipensa naman ng mga suspek na hindi nila gawain ang magnakaw.

Hawak na ngayon ng tanggapan ng pulisya ang mga suspek na haharap sa kasong Pagnanakaw.

Facebook Comments