Motorsiklo sinalpok ng isang kotse sa Pangasinan, crew na angkas nito patay

343

Patay ang isang crew ng isang fastfood chain na angkas ng motorsiklo at sugatan naman ang drayber nito matapos masalpok ng isang kotse sa Binmaley, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Lester Paul Sison, 25 anyos, residente ng Manat, Binmaley, Pangasinan at crew ng isang fast food chain. Samantala ang sugatan ay drayber ng motorsiklo na kinilalang si Reden Ranola, 23 anyos at residente ng Anolid, Mangaldan. Habang ang drayber ng company vehicle na kotse ay kinilalang si Juanito Cadiz.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP Binmaley na habang binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng McArthur Highway sa bayan lulan ng motorsiklo para ihatid sa bahay si Sison ay bigla na lamang silang masalpok ng isang kotse mula sa likurang bahagi na dahilan para tumilapon ang dalawa.
Agad isinugod ang dalawa sa ospital ngunit binawian din ng buhay si Sison.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang aksidente at nasa kustodiya nang PNP Binmaley ang drayber.

Facebook Comments

From Advertisers