Motorsiklo, sumalpok sa dump truck isa patay sa QC

18

Manila, Philippines – Patay na ng idating sa East AvenueMedical Center ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa dump truck angkanyang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Old Balara Quezon City.
  Kinilala ang biktima na si Renato Padero, na binawian ngbuhay matapos na sumalpok sa likurang bahagi ng dump truck ang minamanehonitong motorsiklo habang tinatahak ang kahabaan ng East bound lane ngCommonwealth Avenue sa Brgy. Old balara, Quezon City.
  Ayon sa pahayag ni Roderick Frogo driver ng trak na mayplakang URM 419  nasa 30 hanggang 40 Kphlamang ang kanyang takbo nang bigla siyang makarinig ng kalabog sa likurangbahagi ng trak.
  Nalaman na lamang umano na may bumangga sa kanyangmotorsiklo nang sabihan siya ng ilang kasabayang motorista.
  Agad namang nirespondehan ng mga rescuer ang naturangaksidente at dinala sa pagamutan  siPadero pero binawian na ng buhay.
  Reckless imprudence resulting to Homicide ang kasongisasampa sa truck driver.

Facebook Comments