Aksidente ang inabot ng isang drayber matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang kotse sa Barangay Tambac, Dagupan City.
Naganap ang insidente bandang alas nwebe trenta ng gabi.
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang drayber ng motor at nagtamo ng pinsala sa katawan.
Agad naman itong nirespondehan ng hanay ng pulisya at City Disaster Risk Reduction and Management Office para sa paunang lunas ng sugatang drayber.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang nasabing insidente.
Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan ukol sa pag-iingat ng motorista sa gitna ng kalsada lalo sa gabi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









