Motorsiklo, wasak matapos sumalpok sa jeep; Driver, maswerteng minor injuries lang ang natamo

Quezon City – Wasak ang isang motorsiklo matapos mabangga ng isang pampaseherong jeep sa kahabaan ng Aurora Blvd. Southbound Cubao, Quezon City.

Maswerteng minor injuries lang ang natamo ng tumalsik na driver ng motor na si Mario Concepcion.

Ayon kay Concepcion, may hinahabol siyang taxi na unang nakasanggi sa kanya at nagsignal ito na tutungo ito pakanan bago pa man mabangga ng jeep.


Ayon sa driver ng jeep na si Orlando Ventura, hindi niya nakita ang signal dahil na rin sa mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo.

Pinag-aaralan na ng Quezon City Traffic Enforcer kung sino ang tunay na may kasalanan.

Facebook Comments