
Narekober ng mga scuba divers ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group ang sinasabing getaway motorcycle na ginamit sa kasong frustrated murder sa Malate, Maynila.
Sa ilalim ng Bacood-Mandaluyong Bridge isinagawa ang search and retrieval operation ng Underwater Crime Scene Investigation divers mula sa Special Waterborne Operations School bilang tugon sa hiling ng Manila Police District.
Tatlong beses sumisid ang mga divers sa makapal na burak at mabahong kanal na halos zero visibility.
Ayon sa PNP Maritime Group, ang pagkakarekober ng motorsiklo ay malaking tulong sa imbestigasyon.
Patunay din ito ng kahandaan at dedikasyon ng Pambansang pulisya sa pagbibigay-suporta sa nagpapatuloy na imbestigasyon bilang bahagi ng kanilang misyon para sa hustisya at kapayapaan.









