Nasabat sa isang checkpoint sa Malasiqui, Pangasinan ang isang motorsiklo na kalauna’y natuklasang naiulat na nawawala, at matagumpay na naibalik sa lehitimong may-ari matapos ang beripikasyon ng mga awtoridad.
Nasabat ang motorsiklo habang isinasagawa ang Oplan Sita dahil sa iregularidad sa mga dokumento nito.
Sa masusing beripikasyon at pakikipag-ugnayan sa Land Transportation Office at iba pang opisyal na talaan, nakumpirmang kabilang ang sasakyan sa mga iniulat na nawawala.
Agad na isinailalim sa wastong dokumentasyon at pag-iingat ang motorsiklo, at matapos makilala ang tunay na may-ari at makumpleto ang kinakailangang proseso, ito ay pormal na naiturn-over.
Patuloy naman ang pagpapatupad ng mga checkpoint at beripikasyon upang maiwasan ang krimen, mabawi ang mga nawawalang ari-arian, at mapanatili ang kaayusan sa bayan.
Facebook Comments





