Motorsiklong Tinangay sa Isabela, Narekober sa Kalinga!

Santa Maria, Isabela- Narekober na ng mga otoridad kamakailan ang motorsiklong tinangay ng hindi pa nakikilalang dalawang lalaki sa Brgy. Laguinday, Rizal, Kalinga.

Ang narekober na motorsiklong HATAW PMR 150 na may plakang BE 36876 ay minamaneho ni Julius Aguinaldo at pagmamay-ari ng kanyang kapatid na si Jomikee Aguinaldo.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News, ipinarada umano ni Aguinaldo sa gilid ng daan ang minamanehong motorsiklo habang nagtratrabaho sa ginagawang lansangan sa Brgy. Naganacan, Santa Maria, Isabela nang biglang tangayin ng dalawang lalaki patungong Quezon, Isabela lulan ang motorsiklong may plakang BA 56470.


Hinabol umano ni Aguinaldo ang mga suspek kasama ang kanyang mga katrabaho habang humingi naman ng tulong sa Quezon Police Station at PNP Kalinga ang iba pa nyang kasama na agad namang nirespondehan ng kapulisan.

Sa kanilang pagresponde ay kanilang narekober ang motorsiklo ni Aguinaldo kasama ang motorsiklong ginamit ng mga suspek sa Rizal, Kalinga subalit nakatakas na ang dalawang suspek.

Nasa kustodiya na ng Santa Maria Police Station ang dalawang behikulo habang patuloy pa rin sa isinasagawang imbestigasyon at pagtugis ang mga naturang himpilan.

Facebook Comments