Motorsiklong Tumumbok sa Nakaparadang Truck sa Benito Soliven, Lima Sugatan!

Benito Soliven- Sugatan ang limang katao matapos tumbukin ng sinasakyang motorsiklo ang nakaparadang truck sa kahabaan ng national highway Brgy. San Carlos, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang drayber ng Trike Motorcycle na si George Tolentino, 30 anyos, may-asawa habang ang mga pasahero nito ay kinilala namang sina Marisa Tolentino, 28 anyos, Jerimar Tolentino, 11 anyos, Janu Jay Tolentino, 47 anyos, Reynalyn Pascua, 20 anyos at mga pawang mga residente naman ng brgy. Disulap, San Mariano.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, bumabaybay umano ang naturang drayber angkas ang kanyang mga kasama sa kahabaan ng naturang lansangan patungong Naguilian Isabela ng marating ang pakurbang bahagi ng daan at lumiko pakaliwa na naging sanhi ng aksidenteng pagkakabangga nito sa nakaparadang truck sa gilid ng lansangan.


Nagtamo ng pinsala sa katawan ang drayber maging ang mga kasama nito kaya’t agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan para sa karampatang lunas habang nagtamo din ng pinsala sa hindi pa matukoy na halaga ang parehong sasakyan ng mga ito.

Facebook Comments