MOU para sa kooperasyon sa enerhiya, nilagdaan ng Pilipinas at Indonesia

Pumirma ang Pilipinas at Indonesia ng Memorandum of Understanding para sa kooperasyon sa enerhiya.

Ang pagpirma ay ginawa matapos ang ginanap na bilateral meeting sa Malakanyang nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Indonesian President Joko Widodo.

Ang MOU ay nilagdaan ng Department of Energy at Indonesian Ministry of Energy and Natural Resources.


Batay sa MOU, itataguyod ang kooperasyon sa business sectors lalo na sa panahong nasa kritikal na sitwasyon ang energy commodities gaya ng coal at liquified natural gas.

Isusulong din nito ang collaboration sa energy transition, renewable energy, demand-side management, electric vehicles at alternative fuels gaya ng hydrogen, ammonia, at biofuels.

Sinabi naman ni Energy Secretary Raphael Lotilla, ang agreement ng Pilipinas at Indonesia ay magiging malaking tulong sa pagpapalakas ng energy security ng bansa.

Samantala, sinabi pa ni PBBM na malapit na ring maselyuhan ang isa pang MOU sa larangan ng siyensya at teknolohiya.

Samantala, sinabi pa ni PBBM na malapit na ring maselyuhan ang isa pang M-O-U sa larangan ng siyensya at teknolohiya.

Facebook Comments