MOUNT AGUNG | Bali International Airport, muling binuksan

Indonesia – Muling binuksan ang Bali International Airport matapos ang pagbuga ng abo ng Mount Agung.

Pero posible pa ring ipasara ang paliparan sakaling mag-iba ang direksyon ng hangin.

Nabatid na nabalot ng ash cloud ang himpapawid dahil sa pagsabog ng bulkan na umabot sa taas na tatlong kilometro


Mahigit na 100,000 katao ang inutusan na lumikas pero marami pa rin ang nagmatigas at ayaw iwanan ang kanilang ari-arian.

Facebook Comments