JAPAN – Nakapagtala ng eruption ang Mount Aso sa Japan kasunod ng paglindol kagabi at kaninang madaling-araw.Ayon kay Japanese Chief Cabinet Sec. Yoshihide Suga, nagbuga ng abo na may taas na 100 meters ang bulkan na matatagpuan sa isla ng Kyushu na siyang sentro ng naganap na pagyanig.Dahil sa naturang eruption ay itinaas na sa level 5 ang alert warning sa paligid ng Mount Aso.Sa ulat naman ng pamahalaan ng Japan, umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay sa lindol samantalang maraming iba pa ang sugatan.Mahigit naman sa 7, 000 katao ang nawalan ng mga tirahan base sa inisyal na report ng Japanese government kaugnay sa naganap na pagyanig.
Facebook Comments