Mount Etna sa Italy, muling nag-alburuto

Muling nag-alburuto ang Mount Etna na itinuturing na pinakamataas at aktibong bulkan sa Europa.

Dahil dito, isinara muna ang Catania Airport sa Sicily, Italy.

Simula kahapon, umabot sa 130 pagyanig na may lakas na magnitude 4 ang naitala ng National Institute for Geophysics and Volcanology.


Wala namang nasaktan sa pag-aalburuto ng bulkan, pero daan-daang residente sa paligid nito ang nagsilikas.

Samantala, pumalo na sa 373 ang bilang ng nasawi sa nangyaring tsunami sa Indonesia.

Aabot naman sa 1,400 ang nasugatan habang 128 ang nawawala.

Facebook Comments