Mount Merapi sa Indonesia, sumabog!

Nabalot ng abo ang mga bahay at kalsada sa Yogyakarta, Indonesia kasunod ng pagsabog ng Mt. Merapi nitongt Sabado.

Ang Mt. Merapi, na may taas na 2,963 meters ay ang pinakaaktibong bulkan sa Indonesia.

Ayon sa Merapi Vocano Observatory, umabot sa 3,000 meters ang taas ng ash cloud mula sa tuktok ng bulkan.


Hindi bababa sa walong nayon ang apektado ngayon ng volcanic ash.

Wala namang naitalang casualty dahil sa pagsabog.

Pinayuhan din ng national disaster management agency ang mga residente na huwag munang magsagawa ng anumang aktibidad malapit sa bulkan at mag-ingat sa mga potensyal na panganib mula sa volcanic mudflow lalo na kapag umulan.

Huling sumabog ang Mt. Merapi noong 2010 na kumitil ng 300 indibidwal.

Naitala naman ang pinakamalakas nitong pagsabog noong 1930 kung saan nbasa 1,300 katao ang nasawi.

Facebook Comments