Mount Sinabung sa Indonesia, muling nag-alburuto

Muling nagbuga ng makapal na abo ang Mount Sinabung sa Indonesia.

Ayon sa mga otoridad, umabot sa 2,800 meter ang taas ng ibinugang abo ng bulkan.

Hindi naman pinalikas ng mga otoridad ang mga residenteng naninirahang malapit sa lugar.


Pinayuhan lang ang mga ito na huwag magtungo sa five-kilometer radius sa palibot ng crater ng bulkan.

Huling naging aktibo ang Mount Sinabung noong 2010 na ikinasawi ng dalawang biktima.

Facebook Comments