MOVABLE WATER PUMP SA CAREENAN CREEK SA DAGUPAN CITY, PINAGANA UPANG TULUYANG MAPABABA ANG BAHA

Isinagawa kahapon, Hulyo 30, ang operasyon ng movable water pump sa Careenan Creek, Brgy. Poblacion Oeste bilang bahagi ng patuloy na hakbang laban sa pagbaha sa lungsod.

Ayon sa City Engineering Office, bumaba ang lebel ng tubig sa creek matapos ang ilang araw na walang ulan, kaya sinamantala ang pagkakataon upang magbawas ng tubig at maiwasan ang pag-apaw sa mga mabababang lugar.

Ang pumping operation ay bahagi ng mas malawak na flood mitigation program na kinabibilangan ng dredging, clearing operations, at rehabilitasyon ng drainage systems.

Matagal nang kabilang ang Careenan Creek sa mga lugar na madalas bahain tuwing tag-ulan. Inaasahang sa tuloy-tuloy na operasyon at mga pangmatagalang proyekto, ay mababawasan ang epekto ng pagbaha sa lungsod.

Hinikayat din ng City Engineering Office ang publiko na makiisa sa mga proyekto at panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig upang makamit ang mas epektibong resulta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments