MOVE ON NA! | Erich Gonzales, napatawad na si Daniel Mutsunaga

Manila, Philippines – Napatawad na raw ni Erich Gonzales ang kanyang ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Ito ay kahit hindi pa aniya nagso-sorry sa kanya ang Japanese-Brazilian actor/ model.

Gayunman, no comment pa rin ang aktres sa naging pahayag ni Daniel na handa na siyang makipagkaibigan muli sa kanya.


Say ni Erich, ayaw na niyang balikan ang nakaraan at ang mahalaga ngayon ay nakapag-move on na siya sa relasyon nila ni Daniel.

At sa papasok na 2018, career muna aniya ang kanyang prayoridad at pass muna siya sa buhay pag-ibig.

Payo naman niya sa kanyang mga manliligaw, huwag magmadali at sikaping maghintay.

Facebook Comments