MOVE ON NA | Kris Aquino at Herbert Bautista, in good terms pa rin

Manila, Philippines – Kahit dalawang beses na tinanggihan ang alok na kasal, in good terms pa rin daw sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herber Bautista bilang magkaibigan.

Say ng Social Media Queen, wala raw silang nafi-feel na awkwardness at ginagawa na nga lang daw nilang biruan ang tungkol sa Marriage Proposal.

Huling namataang magkasama ang dalawa sa civil wedding ceremony ng kasambahay ni Kris na si Raquel Luntayao kung saan si Herbert ang nag-officiate ng kasal.


Umarte pa nga raw si Herbert na kunwari sila ni Kris ang ikinakasal pero pagbibiro ng aktres, kailangan ay may pre-nup muna.

Nagsimula ang love story ng dalawa noong February 2014 kung saan dalawang beses siyang inalok ng kasal ni Herbert, noong April 2014 at January 2017.

Facebook Comments