MOVE SET | Paglalagay ng emergency communication system, pinamamadali

Pinamamadali ni Senator Sonny Angara sa Department of Information and Communications Technology o DICT ang paglalagay ng emergency communications system sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.

Ayon kay Angara, ngayong taon ay pinaglaanan ang DICT ng 192-million pesos para ibili ng anim na Mobile Operations Vehicles for Emergency o MOVE.

Plano itong ilagay sa National Capital Region, Clark, Batangas, Cebu, Cagayan de Oro at Davao City.


Bawat MOVE set ay mayroong isang six-wheeler truck na magsisilbing command and control center na makikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at magkakaloob din ng komunikasyon sa mga nasa evacuation centers.

Katwiran ni Angara, tuwing tatama ang kalamidad sa bansa ay ang komunikasyon ang una nitong pinapatay.

Tiwala si Angara na makakatulong ang MOVE project para sa mas epektibong koordinasyon at pagkakaloob ng tulong sa oras ng pananalasa kalamidad o anumang sakuna sa bansa.

Facebook Comments