“Moving forward in faith,” panawagan ni Pope Francis sa mga Pilipino

Nanawagan si Pope Francis sa mga Pilipinong mananampalataya na patuloy na manalig ngayong jubilee year.

Sa kanyang video message para sa Jubilee celebration ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas, sinabi ng Santo Papa sa mga Pilipino hayaan ang mga salita ni Hesus ang gumabay sa atin.

Dapat lamang na magpasalamat sa Diyos para sa mga taong nagbigay sa atin ng pananampalataya at sa mga patuloy na nagpapalaganap nito.


Hinikayat din ni Pope Francis ang mga Pilipino na ipaabot sa iba pa ang pag-asa at ligayang hatid ng Ebanghelyo.

Ibinahagi rin ng Santo Papa ang tatlong misteryo ng pananampalataya, na sinasabing bahagi ng malalim na pagiging Kristiyano ng mga Pilipino: Ang Nazareth; Ang Krus; at ang Pentecost.

Ang pagmamahal ng Banal na Anak ay sumisimbulo ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa.

Ang Krus naman ay ang mga hirap at kalbaryo ng mga Pilipino na kailangang pasanin tulad ng mga lindol, bagyo, pagsabog ng bulkan at ang pandemya.

Ang Pentecost naman ay ang bagong simula.

Sa kanyang Easter Address, hinikayat ng Santo Papa ang lahat ng bansa na huwag ipagdamot ang mga bakuna at ibahagi rin ito sa mga mahihirap na bansa.

Hinihikayat ni Pope Francis ang mga Pilipino na patuloy na tumulong at mnapagbigay sa harap ng mga hamon.

Facebook Comments