Moving-Up Ceremony at Recognition Rites, Tuloy pa rin

*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ng Schools Division of Cauayan City na walang kanselasyon ang pagdaraos ng moving up ceremony at recognition rites kundi ipagpapaliban lamang dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Dr. Alfredo Gumaru, Schools Division Superintendent, ito ay nakatakdang idaos sa ikalawang linggo ng buwan ng Abril batay na rin sa opisyal na pahayag ni DepED Secretary Leonor Briones.

Sinabi pa ni Gumaru na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon kaugnay sa kanselasyon ng nasabing aktibidad.


Paliwanag pa nito na wala dapat ipangamba ang publiko dahil patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa healthauthorities para matiyak ang mga susunod na hakbang ng ahensya.

Facebook Comments