MP PROMOTIONS | Mayweather, interesadong maging promoter ni Pacquiao

Interesado si retired American boxer Floyd Mayweather Jr. na tumayong promoter ni Manny Pacquiao.

Sa naging interview kay Mayweather, sinabi nito na plano niya daw tawagan si Pacquiao para pag-usapan ang tungkol dito.

Tingin kasi ni Mayweather na marami pang pagkakataon na lumaban si Pacman sa boxing ring kung saan nais niya na tulungan i-promote ang bawat laban nito.


Sa kasalukuyan ay abala si Mayweather bilang lead promoter ng kanyang Mayweather Promotions habang si Pacquiao ay nasimulan nang ipakilala ang MP Promotions sa naging panalo niya laban kay Lucas Matthysse.

Facebook Comments