MPBL | Marikina Shoemakers, tinalo ng San Juan Knights; 92-65

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng San Juan Knights ang Marikina Shoemakers sa kanilang tune-up game bilang paghahanda sa second season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Tinalo ng Knights ang Shoemakers sa score na 92-65 kung saan hindi nila binigyan ng pagkakataon na makapuntos ang isa sa mga star player nito na si Gerald Anderson.

Samantala, nanalo din sa tune-up game ang Valenzuela Classics laban sa Pasig Pirates sa score na 96-88.
Inaabangan naman ng mga fans ang mga bagong team sa MPBL kung saan magsisimula ito sa darating na June 12.


Facebook Comments