MPBL | Muntinlupa Cagers, panalo kontra Batangas Athletics

Muntinlupa – Tinalo ng Muntinlupa Cagers ang Batangas Athletics sa game 3 ng MPBL Anta Rajah Cup finals.

Nanalo ang Muntinlupa sa score na 82-77 kaya at naipwersa nila ang serye sa 2-1 kung saan pabor pa rin ang Batangas.

Nanguna sa panalo ng Muntinlupa ang dating player ng Meralco Bolts sa PBA na si Allan Mangahas na may 23-points.


Mapapanood naman ang game 4 sa Huwebes (April 19), alas-7:00 ng gabi sa Muntinlupa Sports Complex.

Facebook Comments