Manila, Philippines – Hindi pabor si Bobby Ray Parks Jr. sa bagong ipinapatupad na patakaran ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na isang Fil-foreign player lang kada team at may height limit na 6-foot-4.
Sa message nito sa kaniyang twitter account, sinabi ng anak ng seven-time PBA Best Import Bobby Sr., na hindi dapat siyang ikonsidera na isang foreigner dahil dito siya sa Pilipinas ipinanganak.
Ito din daw ang unang pagkakataon na itinuturing siya bilang isang Amerikano sa kabila ng paglalaro niya sa Gilas Pilipinas.
Nabatid na ipinatupad ang nasabing ruling ng kunin ng mandaluyong El Tigre sina Parks At Fil-Am player na si Lawrence Domingo na kapwa bahagi ng Alab Pilipinas na nagkampeon sa Asean Basketball League (ABL).
Facebook Comments