MPBL | San Juan Knights, nakuha ang ika-5 panalo kontra Laguna Heroes

Nasungkit ng San Juan Knights ang kanilang ikalimang sunod na panalo kontra Laguna Heroes sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Tinambakan ng San Juan ang Laguna sa score na 81-56 kung saan nanguna sa panalo ang dating PBA player na si John Wilson na may 13-points at 6-rebounds.

Dahil sa panalo, nangunguna pa din sa team standing ng north division ang San Juan na may 5-0 win/loss record.


Samantala, panalo naman via overtime game ang Bulacan Kuyas kontra Davao Occidental Tigers sa score na 88-85.

Facebook Comments