MPD, all systems go na para sa 2023 Bar Examination sa linggo

Nakahanda na ang deployment plan ng Manila Police District (MPD) para sa 2023 Bar Examination sa Linggo, September 17.

Kabilang sa mga tututukan ng MPD ay ang San Beda University at University of Santo Tomas (UST) na kasama sa pagdarausan ng naturang pagsusulit.

Tinitiyak din ng MPD na mahigpit ang seguridad sa paligid at tuloy-tuloy ang mga kapulisan nito sa pagpapatrol.


Bukod dito, magkakaroon ng reinforcement ang MPD mula sa mga pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), Metro Manila Development Authority (MMDA), Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire and Protection (BFP), Manila Health Department at Department of Public Safety.

Facebook Comments