Manila, Philippines – Makikibahagi ang Manila Police District, mga pangunahing, mall, ospital at mga eskwelahan sa sabayang earthquake drill ngayong araw bilang paghahanda sa the big one o 7.2 magnitude na lindol.
Ayon kay Division Schools Supt. Wilfredo Cabral, mahigit 300 na mga mag aaral at teaching staff sa may 106 na eskwelahang pang elementarya at sekundarya sa lungsod ng Maynila ang makikibahagi sa earthquake exercise ng Dep ed
Bandang alas dos mamayang hapon , pagtunog ng alarma na hudyat ng pagyanig, inaasahan na ang lahat ng makikibahagi ay mag “duck, cover and hold”.
Kabilang sa aktibong makikibahagi ay ang Moises Padilla Elementary school at P. Gomez elementary school sa Sta Cruz Maynila.
Hinimok ni Cabral ang mga opisyales at mag aaral na seryosohin ang aktibidad at isapuso ang matutuhan sa pagkilos na gagawin sa pagdatal ng kalamidad tulad ng lindol.
Makikibahahi rin ang mga opisyal at empleyado SM San Lazaro.
May sariling earthquake drill din sa MPD headquarters.