MPD: Babaeng nahulog sa riles ng LRT-1, hindi tumalon

Nilinaw ng Manila Police District na hindi tumalon kundi nawalan ng malay ang babaeng nahulog sa riles ng Light Rail Transit Line 1 kahapon ng tanghali.

Ayon sa MPD, naghihintay lamang ng masasakyang tren patungong Baclaran ang 50 taong gulang na pasahero nang mawalan ito ng malay at mahulog sa riles.

Lumalabas din na may history ng hypertension at stroke ang babaeng biktima ayon sa live-in partner nito.


Sa ngayon, naka-confine pa rin sa ospital ang pasahero at patuloy na ginagamot.

Nangyari ang insidente kahapon sa southbound lane ng Doroteo Jose Station na nagdulot ng pansamantalang pagkakatigil ng operasyon ng LRT-1.

Facebook Comments