MPD, bantay sarado ang ilang mga lugar sa Maynila kasabay ng anibersaryo ng Martial Law Declaration

Bantay sarado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ilang mga freedom parks sa Lungsod ng Maynila.

Partikular sa Mendiola, Plaza Miranda at Liwasang Bonifacio kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga magkikilos-protesta.

Ito’y may kaugnayan sa ika-50 anibersaryo ng pagdeklara ng Martial Law.


Pero ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre, tanging sa Liwasang Bonifacio papayagan magkasa ng rally at kanila ipapatupad ang “no permit, no rally” sa Mendiola at Plaza Miramda.

Nabatid na base sa utos ni Manila Mayor Honey Lacuna, nagdeploy ng ilang mga tauhan ng ng MPD Civil Disturbance Management (CDM) para magbantay at masiguro ang kaayusan.

Bukod sa mga tauhan ng MPD, nag-deploy na rin ang Manila Fire District ng kanilang mga trucks para tumulong sa ginagawang pagbabantay kung saan may naka-stand by na rin na mga ambulansiya.

Nagpakalat na rin ng mga checkpoint sa mga boundary ng Lungsod ng Maynila para mas masiguro na walang makakalusot ma indibidwal o grupo ang nagbabalak na manggulo.

Inaasahan naman na mamayang tanghali o hapon magkakasa ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo.

Facebook Comments