MPD, blangko pa rin sa pagkakakilanlan sa mga miyembro ng martilyo gang na sumalakay sa isang tindahan ng alahas

Manila, Philippines – Hindi pa rin matukoy ng mga operatiba ng Station 9 ng MPD ang pagkakakilanlan ng limang armadong kalalakihan na nanloob sa isang tindahan ng mga alahas sa loob ng isang Mall sa Malate Manila.

Ayon kay James Azula Security Officer ng Harrizon Plaza tinutukan kahapon ng hapon ang mga gwardiya ng Mall at nang makarating sa Gold Buyer jewelry shop ay nagpaputok muna ang isa sa mga suspek ng kalibre 45 baril ng tatlong beses sa itaas kayat nataranta at nagtakbuhan ang mga shopper.

Sinamantala naman ng mga suspek ang pagkakataon at kaagad na pinaghahataw ng martilyo ang salaming estante ng Jewelry shop at nilimas ang mga alahas na nagkakahalaga ng isang milyong piso.


Nakuhanan ng CCTV camera ang mga suspek na ang dalawa ay inilarawang nakasumbrero at nakasuot ng jacket. Hindi pa muna ibinigay sa Media ang CCTV habang nagsasagawa pa ng follow up operation.

Facebook Comments