MPD, blangko pa sa halaga ng natangay ng suspek na nanloob sa isang bangko sa Paco, Maynila

231

Blangko pa ang Manila Police District (MPD) sa halagang natangay ng nag-iisang suspek na nanloob sa China Bank Otis branch sa Paz Guanzon St., Paco, Manila kanina.

Ayon sa MPD, nakaitim na jacket na may hood at may print na NMAX ang suspek nang pumasok ito sa bangko at nagdeklara ng holdap.


Matapos makatangay ng pera ay agad itong sumakay sa kanyang motorsiklo patungo sa direksyon ng Malacañang.

Patuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad sa suspek

Wala namang nasaktan sa nasabing bank robbery.

Facebook Comments